Klook.com

Yorme Isko galit na galit sa nag-abandona sa matanda sa ilalim ng tulay: 'Tatanda rin kayo!'

Hindi napigilan ni Mayor Francisco 'Isko Moreno' Domagoso na ilabas ang kanyang pagkadismaya at galit sa pag-abandona kay Mrs. Lehicia Tan, 76 na taong gulang, sa ilalim Mcarthur Bridge.

Ito ay naganap nang hinarap ng alkalde ang tatlong suspek na naaresto ng Manila Special Mayor's Reaction Team (SMaRT) ngayong Biyernes, ika-4 ng Setyembre.

Kinilala sila bilang sina Ephraim Tan Yap, pamangkin ng biktima; Emerita "Emie" Decilio, pinagbilinan na dalhin si Ms. Tan sa Home for the Aged; at si Rogelio Espin, drayber ng tricycle na inarkila ni Mrs. Decilio.

Kwinestyon ni Domagoso ang kanilang intensyon at mariin niyang kinundena ang ginawa ng mga suspek sa biktima.

"Ang nanay, tatay, hindi itinatapon sa kalsada pag wala nang gamit. Nasa'an ang puso n'yo?" aniya.
"Nakakapanlambot kayo ng laman. Tatanda rin kayo, tandaan n'yo 'yan! Manghihina rin kayo, magkakasakit tayo pare-pareho. Walang mag-aalaga sa atin kung hindi kalahi natin. Gusto mo ba itapon ka rin ng anak mo, sa tabing-ilog?" dagdag pa ng alkalde.

Nagpaliwanag ang mga suspek at idinahilan ng kanyang pamangkin na si Mr. Yap na wala siyang pinansyal na kapasidad na masuportahan ang kanyang tita.
Loading...
Idinahilan naman ni Mr. Espin, tricycle driver, na mahigpit ang pangangailangan n'ya kaya't nagawang n'yang tulungan si Mrs. Decilio na iwan ang matanda sa tulay.

Hindi ito tinanggap ng alkalde at binigyang-diin n'ya na maraming ahensya ang gobyerno na handang umalalay sa mga matatanda at mga may kapansanan.

"Alam mong iniwan doon, alam mong inilagay sa alanganin. Dalawang minuto kayo doon. Lumilingon pa kayo kung may nakakita. Kaya lang kayo kumikilos dahil sa pera. Kaya kayo nagkasama-sama dahil sa pera. Puro pera ang pinag-uusapan n'yo rito eh. Hindi n'yo ginawa 'yun dahil gusto n'yong tulungan, gusto n'yong kumita," ani Domagoso.

"Ang daming ahensya ng gobyerno. Ang daming presinto sa Maynila. Mayroong barangay, mayroon tayong MDSW," dagdag pa niya.

Buong puso namang pinasalamatan ng alkalde ang Manila Department of Social Welfare at si MDSW Director Re Fugoso sa agarang aksyon at pag-alalaga kay Mrs. Tan. Inatasan rin ng Punong Lungsod si Director Fugoso na kailangin siya at dalhin sa Manila Boystown Complex.

"Maraming salamat kay Director Re Fuguso, kinuha n'yo agad at inalagaan ang matanda. Dalhin n'yo siya sa Boystown at patuloy na alagaan," ani Domagoso.


Maki-balita sa Manila City Updates sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

manila meaning  metro manila area  manila population  manila tourism  metro manila population  quezon city  metro manila map  manila city map isko moreno family  isko moreno children  isko moreno age  isko moreno house  isko moreno pagpag  isko moreno news 

Post a Comment

Mas Bago Mas luma