Klook.com

Mayor Isko, hinikayat ang publiko na maging mapagmatyag sa pagsasaayos ng Manila Bay

Binigyang-diin ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kahalagahan ng pagsusuri sa mga plano hinggil sa patuloy na rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ito’y matapos naging usapin sa social media ang paglalagay ng synthetic white sand sa lugar.

“Kung sakaling napatunayan na ang mga nilagay na ito ay makapaminsala, I think DENR knows it better than me. Maigi na rin may nagbabantay na tao. The next action would be to really scrutinize the supposed danger of that particular sand to our environment,” pahayag ni Domagoso.

Kaugnay nito, ibinahagi rin ng alkalde ang iba’t ibang mga hakbang na isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila upang matiyak ang kalinisan at kaayusan ng Manila Bay.

“Ang mga solid waste material na nasa Manila Bay ay sinisikap na linisin ng ating mga estero rangers, madaragat, baseco rangers at iba pa,” ani ng Punong Lungsod.

RELATED: Crushed dolomite 'not harmful' for Manila Bay as per Año

Loading...
Liban dito, nanawagan si Domagoso sa mga Manileño na itapon ang basura sa tamang lalagyan upang mabawasan ang mga nakakalat na basura sa Manila Bay.

Puspusan din ang pagbabantay ng Pamahalaang Lungsod sa mga gusali na nasa paligid nito.

“Tuloy ang pagtitiyak natin na ang kanilang mga pasilidad ay tumutugon, naaayon at sumusunod sa mga alituntuning ipinapatupad ng Maynila with regards sa kanilang waste water treatment and facilitation,” giit ng alkalde.

RELATED: Isko on Manila Bay rehab: 'Believe the process'

Samantala, inihayag din ni Domagoso na tuloy ang pakikipag ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa pambansang pamahalaan upang masiguro na tunay na magiging kapaki-pakinabang ang rehabilitasyon para sa ating mga kababayan.

Source: MPIO

ALSO READ: Manila Bay white sand project to prevent soil erosion, floods


Maki-balita sa Manila City Updates sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

manila meaning  metro manila area  manila population  manila tourism  metro manila population  quezon city  metro manila map  manila city map isko moreno family  isko moreno children  isko moreno age  isko moreno house  isko moreno pagpag  isko moreno news 

Post a Comment

Mas Bago Mas luma