Klook.com

"Computer on Wheels (COW)" inilunsad sa Jose Abad Santos Police Station 7

Inilunsad ngayong Biyernes, ika-4 ng Setyembre, ang "Computer on Wheels (COW)" project ng Jose Abad Santos Police Station 7.

Ang nasabing proyekto ay isang hakbang upang tulungan ang mga estudyante at guro ngayong darating na distant blended learning.

"COW will have computers, internet connection, printers and printing materials available for use of students within the vicinity for free," ayon kay station commander Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III.
Nangako rin ang buong pwersa ng Station 7 na tutulungan ang mga guro at estudyante sa pagpapaprint at pagdidistribute ng mga modules na kakailanganin sa darating na pasukan.
Loading...
Ang nasabing Computer on Wheels ay mayroong limang Asus Laptop iCore7 na laptop, at tatlong desktop computers with printers.

Ayon kay Lorenzo, ito ay dinonate ni Nelson Guevara ng Federation Filipino Chinese Chamber of Commerce Inc (FFCCCII), na siyang naging pangunahing tagapagsalita sa nasabing event.
"Ayon po sa mga chairman, malaki po ang maitutulong nito kasi madami pa din sa barangay nila ng mga students na wala access or walang computer," ani Lorenzo.

"Balak rin po ng Police Station 7 na mag adopt ng mga less fortunate na mga students para makatulong po kmi sa kanila," dagdag niya.

Ine-enganyo naman ni Lorenzo ang iba pang chairman na iconvert ang mga daycare center sa kanilang mga lugar sa isang computer hub upang mas makatulong ng marami.


Maki-balita sa Manila City Updates sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

manila meaning  metro manila area  manila population  manila tourism  metro manila population  quezon city  metro manila map  manila city map isko moreno family  isko moreno children  isko moreno age  isko moreno house  isko moreno pagpag  isko moreno news 

Post a Comment

Mas Bago Mas luma