Ayon sa Manila Barangay Bureau (MBB), mahigipit na ipapatupad ang paggamit ng Quarantine Pass at Odd/Even Scheme sa lahat ng Barangay sa lungsod.
Para sa mga Quarantine Pass number na nagtatapos sa:
• Odd Number (1,3,5,7,9)
Maaaring lumabas simula 5:00 am hanggang 9:00 pm tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes; at 5:00 am hanggang 1:00 pm tuwing Linggo.
• Even Number (2,4,6,8,0)
Maaaring lumabas simula 5:00 am hanggang 9:00 pm tuwing Martes, Huwebes at Sabado; at 2:00 pm hanggang 9:00 pm tuwing Linggo.
Tuloy rin ang pagpapatupad ng curfew hours sa lungsod mula 10:00 pm hanggang 5:00 am alinsunod sa City Ordinance no. 8647.
Para sa kabuuang guidelines, maaaring tingnan ang memorandum mula sa MBB at DILG-Manila sa ibaba. —KDS
Loading...
Ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), pansamantala ring pagbabawalan ang pagpasada ng mga tri-wheel vehicles tulad ng tricycle at pedicab sa kasagsagan ng MECQ sa lungsod.
Mahigpit ring ipagbabawal ang pagsasakay ng pasahero ng mga motorsiklo o ‘backriding’ sa Maynila.
Maki-balita sa Manila City Updates sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!
manila meaning metro manila area manila population manila tourism metro manila population quezon city metro manila map manila city map isko moreno family isko moreno children isko moreno age isko moreno house isko moreno pagpag isko moreno news
Mag-post ng isang Komento