Klook.com

Holdaper sa R-10, arestado ng MPD SMaRT

Arestado ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang lalaking nahuli sa isang viral video na nangholdap ng isang trucker sa Road 10, Tondo noong Sabado, Oktubre 5.


Iprinisenta ni Manila City Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang suspek sa media ngayong Lunes, Oktubre 7.

"Akala natin magtitino ang mga lokong ito. Lumala pa eh. Hindi lang sila nangunguha ng materyales sa trak. Pinapasok na 'yung driver," sabi ni Domagoso.

Nabisto ang panghoholdap sa isang nag-viral na video sa social networking site na Facebook.

Kita rito ang pwersang pagbukas ng apat na kalalakihan sa pintuan ng truck sa kalagitnaan ng matinding trapiko sa Mel Lopez Boulevard. May dala pang bladed weapon ang isa sa mga nangholdap.

Dahil dito, nagsagawa ng anti-criminality operation ang tauhan ng MPD SMaRT sa Mel Lopez Boulevard para hanapin ang suspek noong Linggo, Oktubre 6.

Pinosasan ng MPD SMaRT si Christopher Dumapi alias “Toper” na nakilala sa video bilang isa sa mga holdaper. Siya ay haharap sa kasong paglabag ng Batas Pambansa 6 o illegal possession of bladed weapon. May pending arrest warrant din si “Toper” sa Manila Regional Trial Court Branch 33.

Pinasalamatan ni Domagoso ang netizen na kumuha ng video ng panghoholdap.

"Maraming salamat sa iyo. Kung hindi dahil sa'yo, hindi mo inupload, hindi natin mabibigyan ng hustisya ang ginawang pang-aabuso sa driver ng truck," sabi ni Domagoso.

At large naman ang tatlo pang kasabwat ni “Toper” sa panghoholdap. Kinilala sila ng MPD SMaRT bilang sina Jack Dumapi, Junjun Barola, at Jimwell Jimenez.

Nanawagan ang alkalde ng Maynila sa mga magulang ng suspek na isuko na nila ang kanilang mga anak.

"Sa mga magulang ng mga ito, hawak na po namin ang mga pangalan. Hinahanap na po kayo ng mga alagad ng batas. Hinahanap po kayo. Mas gugustuhin kong buhay na makuha ang mga mahal niyong anak," sabi ni Domagoso.

"Harapin na lang nila 'yung ginawa nilang kawalanghiyaan, sa mata ng husgado, sa mata ng batas," dagdag niya.

(Litratong kuha nina Christian Turingan at Rae Gerald Ferrer/MPIO)

#BagongMaynila #AlertoManileno

Loading...



Maki-balita sa Manila City Updates sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

manila meaning  metro manila area  manila population  manila tourism  metro manila population  quezon city  metro manila map  manila city map isko moreno family  isko moreno children  isko moreno age  isko moreno house  isko moreno pagpag  isko moreno news 

Post a Comment

Mas Bago Mas luma