Klook.com

Limang kilo ng bulok na karne ng manok at dalawang kilong lechong botcha, nakumpiska ng VIB

Nakumpiska ang limang kilo ng bulok na karne ng manok at dalawang kilong lechong botcha sa routine inspection Veterinary Inspection Board (VIB) sa Elcano Market ngayong Sabado, ika-8 ng Agosto.

Nagsagawa ng inspeksyon ang VIB Meat Squad bilang tugon sa panawagan ni Punong Barangay Dr. Ma. Zinnia D. Perez, dulot ng mga akusasyong ‘double dead’ na karne na itinitinda sa pampublikong pamilihan ng Barangay 1, Zone 1.

Patuloy rin ang pagtitiyak ng VIB na puting ilaw lang ang ginagamit sa mga meat displays sa mga wet market upang hindi makapanlinlang sa kalidad ng mga nakalatag na karne.
Loading...
Pinaalalahanan naman ni VIB Director Dr. Nick Santos ang mga nagtitinda na walang patid ang operasyon ng kanilang ahensya upang tiyakin na sariwa ang mga produkto sa Lungsod ng Maynila.

“Sa mga vendors, hindi po kami magsasawang i-check kung sumusunod po kayo. Hindi rin po kami magdadalawang-isip kumpiskahin ang inyong mga paninda kung mapapatunayang botcha ito o kaya naman ay pabulok na,” babala n’ya.


Maki-balita sa Manila City Updates sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

manila meaning  metro manila area  manila population  manila tourism  metro manila population  quezon city  metro manila map  manila city map isko moreno family  isko moreno children  isko moreno age  isko moreno house  isko moreno pagpag  isko moreno news 

Post a Comment

Mas Bago Mas luma