"It's not a vaccine, it's not a herbal supplement. It's a dr*g that has an activity against the v1rus."
"So parang sinasabi natin na pag ininom ito ng pasyente, gagaling 'yung kanyang signs and symptoms. So i-cure niya talaga yung dengue."
Loading...
Sinabi din ni Alvero na ang nasabing produkto o gamot ay ginawa para makatulong sa maraming tao.
"Nung ginawa namin 'to, ang naisip talaga namin para tumulong so 'yung cost dito would be less than the cost ng ginagamit ng isang pasyente kung siya ay may mild na dengue pag siya ay mag co-consult sa clinic or mas lalo siyang mas mababa kaysa sa mga pasyente na nag-punta sa hospital para magpa-confine."
Tinataya namang nasa 86% mula sa 222,849 na kaso ang naitala sa kaso ng dengue sa bansa noong January 1 hanggang November 30, 2018 na mayroong nasa 414,532 na kaso ngayon lamang 2019. Ang mga nasawi naman dahil sa dengue ay tinatayang nasa 1,122 sa taon lamang na 2018 at 1,546 naman nitong 2019.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng namamatay sa kaso ng sakit na dengue kaya naging inspirasyon ni Dr. Alvero ang makagawa ng isang gamot para dito. Pinamahalaan din ni Alvero ang kaniyang Filipino team para makompleto ang produkto na kanilang gagawin at maipalabas na ito at magamit kaagad.
Ang gamot ay gawa sa mga tree herbs o endemic plants, na matatagpuan naman sa Pilipinas ayon sa ulat ng GMA News.
Sa unang bahagi ng ginawang testing ni Alvero kasama ang kaniyang team, kanilang napatunayan na ang gamot ay ligtas na inumin at wala din silang nakitang kahit anong side effects dito.
Gayumpaman, kinakailangan pa din nitong sumailalim sa marami pang pagsusulit sa susunod na anim na buwan para masiguro kung mabisa ba ito. Sa kabila naman nito, sinabi ni Alvero na ang gamot ay 100% na mabisa laban sa mga dengue at sa mga pasyente na mayroon ng malalang problema dahil dito.
Ipinahayag naman ng Department of Health (DOH) ang kanilang paniniwala at tiwala sa potensyal na mayroon ang gamot para na rin maresolbahan ang lumalalang kaso ng dengue sa bansa.
Saad ng DOH Undersecretary na si Eric Domingo,
"Kasi hindi naman nila itutuloy to the phase 2 and 3 clinical trials 'yan kung hindi mag-mukhang maganda yung resulta. Mukhang very promising naman talaga siya."
Ang pag-aaral naman sa anti-dengue na gamot ay isa sa mga parte ng Tuklas Lunas program na nais makagawa ng bagong mga gamot para sa mga sakit na madalas na dumadapo sa mga Pinoy. Isa din sa mga nag-sponsor dito ay ang Department of Science and Technology para maging maayos ang pag-aaral.
Maki-balita sa Manila City Updates sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!
manila meaning metro manila area manila population manila tourism metro manila population quezon city metro manila map manila city map isko moreno family isko moreno children isko moreno age isko moreno house isko moreno pagpag isko moreno news
Mag-post ng isang Komento