Klook.com

Baseco Baywalk may brick pavements na!


Natapos nang lagyan ng bricks at pinturahan ang sahig ng Baseco Baywalk bilang bahagi ng pagpapaganda dito. 

"Magandang balita mga Batang Maynila! Natapos na po ng ating mga kasamahan sa Department of Engineering and Public Works ang paglalagay ng bricks sa ating ginagawang Baseco Baywalk!" 

"Maliban po dito, ay tapos na rin po ang pagpipintura nito upang maging maaliwalas po sa ating paningin kapag po tayo ay dumayo dito sa oras na buksan po natin ito," dagdag pa niya. 
Loading...
Pinaalalahanan naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang ating mga kababayan na bibisita dito na ito'y pangalagaan, ingatan at panatilihin ang kalinisan.

"Mga kababayan, may munti lang po akong pakiusap sa inyo. Sana po alagaan po natin ito. Ito po ay regalo sa inyo ng pamahalaang lungsod kung kaya naman po sana ay panatiliin po natin ang kalinisan nito sa lahat ng oras."

Hinihiling ng alkalde ang pagkakaisa sa tuloy-tuloy na pagkamit sa inaasam na bagong Maynila.

"Kailangan po namin ang tulong ninyo upang makamit po natin ang inaasam nating Bagong Maynila," ani Yorme. 


Maki-balita sa Manila City Updates sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

manila meaning  metro manila area  manila population  manila tourism  metro manila population  quezon city  metro manila map  manila city map isko moreno family  isko moreno children  isko moreno age  isko moreno house  isko moreno pagpag  isko moreno news 

Post a Comment

Mas Bago Mas luma