Klook.com

Suspek sa pagkamatay ng na-hit-and-run ipinahuhuli ni Yorme Isko

Walang puwang ang mag talipandas sa Maynila: Suspek sa pagkamatay ni Renz Perez, pinapahagilap ni Mayor Isko!

Inatasan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang kapulisan na hagilapin ang suspek na nakapatay kay Renz Jayson Perez, isang nurse sa pampublikong ospital sa Maynila.

Inihayag ni Mayor Isko sa suspek na mabuti pang sumuko na lamang upang kaniyang mapagtanggol ang sarili kung ito ay aksidente at para na rin magbigay ng pagpapatawad sa mga kamag-anak ng biktima.

Nanawagan naman ng pakikiramay ang punong lungsod sa pamilya ni Renz Perez at nangakong lulutasin ang kasong ito at  bibigyan ng hustisya ang pangyayaring naganap.

Loading...
"Ako po ay taos-pusong nakikiramay. In our own little way, ang pamahalaang lungsod doon sa pamilya ay tumutulong at tutulong pa para makapagbigay ng hustisya sa dati nating nurse."

Si Renz Jayson Perez, 23, ay nasa bisikleta sa kanto ng mga kalsada ng Padre Burgos at Orosa sa Maynila pauwi nang mabangga siya ng kotse noong Agosto 23.

Isang babae na pinaniniwalaang driver ng kotse na pumatay sa isang nars na nakasakay sa bisikleta sa isang hit-and-run na aksidente sa Maynila noong nakaraang linggo ay naaresto sa Lungsod ng Quezon noong Agosto 27, 2020.


Maki-balita sa Manila City Updates sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

manila meaning  metro manila area  manila population  manila tourism  metro manila population  quezon city  metro manila map  manila city map isko moreno family  isko moreno children  isko moreno age  isko moreno house  isko moreno pagpag  isko moreno news 

Post a Comment

Mas Bago Mas luma